Maling pag gamit sa Kapangyarihan

 Ang pag aabuso sa kapangyarihan ay pangkaraniwan dito sa ating bansa. Makikita mo ito kahit saan ka pumupunta kung sino sino ang gumagamit nito mapa bata man o matanda. Ang maling paggamit ng kapangyarihan ay nagdudulot ng pangamba sa mga sa mga tao. Ito ay nagdudulot ng kamatayan sa karamihan. Nag bibigay ito ng hindi magagandang alala. Ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan upang makalusot sa maling gawain. Ang maling pagamit sa Kapangyarihan ay hindi patas sa mga taong nag laro na sinusunod ang batas. Ginagamit nila ito para makalusot sa mga batas. Ginagamit nila ito para magawa nila ang kanilang gusto. Pinaikot-ikot nila tayo sa kanilang kamay para makuha nila ang kanilang gusto. Sa mga may kapangyarihan sa tingin nila ito ang pinakamadali na paraan para makuha nila ang kanilang gusto. Hindi ito ang paraan dapat natin paghirapan ang ating gustong makuha dahil ang iba ay nag hirap para makamit nila ang kanilang gusto.

Isa na sa halimbawa ang pag nakaw ng 224.5 million na pera galing sa taong bayan at nakalabas ng kulungan pagkalipas ng 4 na taon. Natakasan lang Ni bong Revilla ang Krimen na kanyang ginawa at sumasayaw pa sa television. Hindi talaga ito patas para sa iba ang iba nag nakaw ng 100 pesos pero nakulong ng mas matagal. Ang pag patay ni Jonel Nuezca sa mag ina sa tarlac ng yari ito dahil lang sa lupa. Natakasan pa ni Jonel Nuezca ang iba pa niyang Kaso na Homicide at marami pa at natakasan niya ito at ipinalabas na kulang sa ibedensya. Si Jam Magno isang tagalingkod sa bayan na nag impluwesya sa mga tauhan na mag suot ng facemask at faceshields pero siya mismo hindi sinusuot na sumasayaw. Ang mga Frontliners na nagbabantay sa daan at naghuhuli sa mga violators na inaabuso pinapagawa ng sobra sobrang gawain na hindi makaya ng mga violators. Alam natin na hindi sila sumunod sa patakaran pero hindi nila karapat dapat madaanan ang sobrang pamamalupit at pang aabuso isa silang tao kagaya natin na nagkakamali. Ang matanda na hinuli dahil natulog sa daan alam natin na bawal lumagpas sa curfew pero ang pagiging mahirap ay hindi crimen hindi ito nakalaan sa batas na dapat i kulong ang mahihirap. Joseph Ejercito Estrada na kilala sa pangalang Erap na nagsasabi sa publico na ililinis nila ang Manila bay pero ang ginawa niya ay nag patapon lamang siya ng basura sa tubig at nilinis niya ito para lang sa mga litrato na ipapakita sa publiko. Ang ginawa ni Erap ay pinapaikot lang niya ang mga tao sa kanyang kamay.

Para ito mabigyan ng sulosyon ay dapat mayroon tayong maayon na mamumuno na kayang isakripsyo ang lahat. Ang ganitong leader ay nagdadala ng kaligtasan at kasiyahan ng mga tao dito sa ating bansa. Dapat natin itong masulosyonan dahil kapag hindi ang ating bansa ay hindi matutukoy na maganda at masaya nag dudulot ito ng kahirapan at kalungkutan sa mukha ng kabataan at tauhan. Kailangan natin ng ilaw na mag aayaos sa ating sirang sistema. Kailangan natin ng mas maraming taong kaya tayong ipag laban na kaya tayong ipag tanggol. Ang ugat ng kademonyohan ay ang pang-aabuso sa kapangyarihan. Dapat tayong magkaroon ng magandang sistema ng authoridad para maramdaman ng mga tao na ligtas sila. Ang kinatatakutan ng mga tao ay masobrahan ang pang aabuso ng authoridad dahil maraming masasaktan at mamatay dahil may mang babaril nanakit. Dapat Hindi tayo matakot lumaban para sa ating sarili dahil kapag tayo ay tatayo lahat ang tatayo para lumaban sa ating karapatan. Dapat hindi tayo matatakot dahil makakatulong ito na marinig ang ating boses at ma aksyonan para hindi ito sumobra


Comments